^

Punto Mo

Kailangan bang i-memorize yan!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KAILANGAN pa nga bang utusan, bago aksiyunan ang matagal nang suliranin sa sinasabing mga private armies ng ilang mga pulitiko.

Maging ang lumalaganap na illegal firearms, dapat naman talaga itong masawata at matutukan.

Noong Lunes kasi matindi ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Mistulang kinalampag nito  ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) patungkol sa mga private armies.

Pinabubuwag niya ang mga private armies at pinatutukoy ang mga hotspots sa bansa.

Ito’y matapos ang madugong insidente nang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan nadamay ang walo pa katao.

Matindi ito, broad daylight naganap ang pamamaril sa loob pa mismo ng bakuran ng gobernador.

Talagang mga bihasa at walang takot, kaya nga pinaniniwalaang organisadong grupo ang nagsagawa nito.

Si Degamo ang sinasabing pinakahuling biktima nang pag-atake sa mga elected officials.

Nagkasunud-sunod, kaya nga mistulang nalagay sa balag ng alanganin ngayon ang kapulisan, dahil ayun nga patuloy silang nalulusutan.

Ang siste kasi dyan, kung kailan lang malapit na ang  eleksyon saka natututukan  ang  private armies ng ilang pulitiko, maging sa mga illegal firearms.

Eh ngayon umatake ang mga kriminal kahit   malayo pa ang halalan at ang pinakamaagang eleksyon na inaasahang magaganap ay sa Oktubre pa sa halalan ng brgy. SK.

Ayon nga sa Pangulo, kung kaunti ang nakakalat na ilegal na armas, malamang kaunti rin ang mga ganitong uri ng krimen.

Kung ang mga ganitong elected officials na  mayroon nang mga bodyguard ay naaatake ng mga ganitong kriminal, paano na ang mga ordinaryong mamamayan.

Dapat pang paigtingin ang operasyon laban sa illegal firearms na talagang nakakalat na yata  na talagang nakakatakot na sa kasalukuyan. Paigitingin din lalu na ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan sa mga mamamayan .

ILLEGAL FIREARMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with