NABULABOG ang importers ng imported fake products nang salakayin ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at PNP Criminal Investigation and Detection Group ang isang bodega sa Pasay City noong Pebrero 17.
Tinatayang P1.5 bilyon ang mga nakumpiskang fake products na pinaniniwalaang dumating sa bansa bago pa maupo si Commissioner Bien Rubio noong Pebrero 9, 2023. One week accomplishments?
Maraming kinabahan sa appointment ni Rubio dahil kapado na nito ang transaksyon sa bakuran ng BoC. Dito na siya natuto at nagkaugat bilang public servant.
Hindi nila kayang bulagin si Rubio. Iba ang hinog sa puno!
Marami nang naging BoC commissioner na nagmula sa PNP, AFP at may mga rekomendado ng mga pulitiko. Kinailangan pa nilang mag-aral para malaman ang pasikut-sikot ng transaksyon. May pasalubong nga, bukol naman, ha-ha-ha!
Kinilala na noon ni dating Sen. Ping Lacson ang 44 brokers na nagpapakimkim (tara) sa BoC officials na nagmula sa smugglers ng fake products tulad ng damit, sapatos, relos at bags.
Marami nang suspected smugglers ang naimbestigahan pero nauwi sa wala. Malalaman ngayon kung may repormang mangyayari sa BoC sa termino ni Rubio.
Nakasalang ngayon sa senado si Leah Cruz na diumano’y batikan sa importasyon ng bawang at sibuyas. Dati nang naimbestigahan si Cruz pero walang balita kung anong resulta.
Masolusyunan kaya ito ni Rubio?
Hintayin natin!