• o, huwag Kapag naghiwalay kayo dahil naging “toxic” na ang karelasyon m mong kalilimutan ang apat na bagay: 1) Ang paghahanap kaagad ng bagong karelasyon ay hindi makakatulong para maghilom ang iyong sugatang puso; 2) Walang mababago sa pagkatao ng iyong ex kahit ibigay mo ang second chance na hinihingi niya; 3) Kahit pa magkaroon kayo ng closure, hindi pa rin mababago ang katotohanang hindi siya ang tamang tao na dapat mong alayan ng iyong pagmamahal; 4) Huwag kang mag-trying hard na solohin ang paghahanap ng solusyon sa inyong problema dahil “malulunod” ka lamang sa kalungkutan.
• Sa sobrang lakas ng dila ng tigre, kaya nitong tanggalin ang pintura ng isang pader sa pamamagitan ng paghimod dito; kaya ng kanyang dila na talupan ng balat ang kanyang bibiktimahin bago ito kainin. Ang kanilang dila ang sinasabing “second most dangerous tongue” kung saan ang nangungunang mapanganib na dila ay dila ng mga kababaihan.
• Sa bawat pirasong sigarilyo na iyong nahihithit, 11 minuto ang nababawas sa iyong life span.
• Ayon sa research, ang unang dalawang taon sa kolehiyo ay walang kuwenta.
• Kung marami ang nasaktan at lumuha dahil sa pagsasabi mo ng katotohanan, mas mainam pa iyon kaysa marami ang natuwa dahil itinago mo ang katotohanan.
• Chocolate, sex at laughter ang susi tungo sa malusog na pag-iisip.
• Kapag nagsimula kang mahalin ang iyong sarili, ang lahat ng magagandang bagay ay kusang dadaloy sa iyong buhay.