Pinakamaliit na ahas sa buong mundo, natuklasan sa Barbados!
SA unang tingin, mapagkakamalan ang Barbados threadsnake na isang bulate dahil sa haba nito na 10 cm at diameter na maikukumpara sa noodles ng spaghetti.
Natuklasan ang Barbados threadsnake o Tetracheilostoma carlae ng evolutionary biologist na si S. Blair Hedges sa kagubatan ng Barbados noong 2008.
Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking specimen na threadsnake ay may sukat n 10.4 centimeters kaya ito na ang tinaguriang “world’s smallest snake”.
Sa pagsasaliksik ng mga biologist sa Barbados, lahat nang nahuli nilang threadsnake ay mga bulag. Wala itong kamandag at ang tanging pagkain nito ay mga anay at larvae ng langgam.
Limitado ang pag-aaral na nasasagawa tungkol dito dahil sa maliit nitong sukat. Bukod dito, endangered na rin ang specie na ito at mahirap nang mahuli sa kagubatan ng Barbados. Dahil dito, wala masyadong impormasyon ang mababasa tungkol sa ahas na ito.
- Latest