• Ang ating utak ay nagiging 10 years younger kapag regular tayong nag-eehersisyo.
• Ang simpleng pagtanaw sa dagat o anumang body of water ay may calming and soothing effect sa mga tao kaya tumataas ang level ng kanyang kaligayahan at pagiging malikhain.
• Ang mga taong abala sa kanilang mga gawain ang masasaya dahil wala na silang oras para isipin ang kanilang problema.
• Ang yakap na mas matagal pa sa 20 seconds ay nagpo-produce ng hormones sa ating katawan na dahilan upang pagkatiwalaan natin ang taong yumayakap sa atin.
• Mas kaunti ang iyong pera, mas lalo kang nagiging obsessed dito.
• Ang ating utak ay nagiging malikhain kung inaantok tayo.
• Ngayong adult ka na, mas enjoy ka sa mga awiting lagi mong pinakikinggan noong high school ka.
• May mga taong mas gustong labagin ang batas kung ito ay sobrang istrikto.
• Kapag inaalala mo ang isang pangyayari, mabilis tandaan ang nangyari sa una at sa huli ngunit nahihirapan kang alalahanin kung ano ang nangyari sa pagitan ng nauna at huling pangyayari.
• Kung ikaw ay may plan B, mas malaki ang tsansa na hindi magtatagumpay ang plan A.
• Base sa pag-aaral ng mga eksperto, umuunlad ang ating pagkatao sa pagbibiyahe sa iba’t ibang lugar at pinapababa ang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso at depresyon.