Whiskey na gawa mula sa mga alimasag, matatagpuan sa New England, U.S.A.!
ISANG distillery sa New England, New Hampshire ang naglunsad ng kakaibang alak, ang whiskey na ang isa sa main ingredients ay alimasag!
Isa sa malaking problema ngayon ng mga mangingisda sa New Hamphire ang mga alimasag na tinatawag nilang green crabs. Kinukunsidera roon na peste ang mga green crabs dahil inuubos nito ang mga isda, kabibe at iba pang mga lamandagat na dapat ay nagbibigay kabuhayan sa mga mangingisda roon.
Dahil sa problemang ito, nagtulungan ang distillery na Tamworth Distilling at University of New Hampshire NH Green Crab Project na magdebelop ng alak na tinawag nilang “Crab Trapper”.
Ayon sa may-ari ng Tamworth Distilling na si Steven Grasse, naglaga sila ng 40 kilos ng green crab. Pagkatapos makuha ang broth nito, hinalo nila ito sa alak at inilagay sa rotary vacuum para sa distilling process.
Una nilang ipinatikim ang alak sa mga mangingisda ng New Hampshire at nagustuhan ng karamihan ang lasa nito . Ayon sa isang mangingisda, inilarawan nito ang Crab Trapper bilang “made with a bourbon base steeped with crab flavor, corn and spice blend mixture”.
Nagkakahalaga ng $65 ang 750 ml na bote ng Crab Trapper.
- Latest