Pinakamahal na pakwan sa buong mundo, matatagpuan sa Japan!
SA mahigit 1,200 variety ng mga pakwan sa buong mundo, wala nang mas mamahal pa sa Densuke black watermelon ng Japan.
Ang Densuke watermelon ay matatagpuan lamang sa northern Hokkaido. Mabusisi at matrabaho ang pag-cultivate ng pakwan na ito kaya 100 pieces lamang ang maaaring anihin sa isang taon. Dahil dito, tinagurian itong “rarest watermelon in the world”.
Hindi mahahanap sa mga fruit stand o supermarket ang Densuke watermelon. Sa mga auction sites lamang ito pinagbebenta at pinapasubasta ito sa malaking halaga. Ang pinakamahal na Densuke watermelon ay nasubasta sa halagang 750,000 Yen noong 2019. Dahil sa COVID-19 pandemic bumaba ang presyo nito ngunit nananatiling ito ang pinakamahal na variety ng pakwan sa buong mundo.
Kilala ang Densuke watermelon sa makintab at maitim nitong balat. Malutong at napakatamis ng laman nito at kakaunti lamang ang buto. Ayon sa mga nakatikim na ng variety na ito, nahirapan na silang magustuhan ang pangkaraniwan na variety ng mga pakwan dahil hinahanap-hanap na nila ang kakaibang sarap ng Densuke watermelon.
- Latest