ITO ang mga negatibong saloobin mo na humahadlang upang maging mailap ang kaligayahan sa buhay:
1. Lagi mong iniisip na ikaw ay biktima. Walang biktima. Walang dapat sisihin sa mga nangyayari sa iyong buhay. Ikaw lang ang umuukit ng sarili mong kapalaran.
2. Iniisip mong mapagbabago mo ang isang tao. Ito ang madalas na pagkakamali ng ibang tao—akala nila ay may magic wand sila na makapagpapabago ng ugali ng tao. Ang katotohanan, wala kang karapatang baguhin sila. Sarili lang nila ang makapagpapabago sa kanila. Kung hindi mo kayang pakisamahan ang bad attitude nila, then, go. Leave them alone.
3. Iniisip mong mas sariwa ang damo sa kabilang bakod. Oo nga at tunay na sariwa ang damo sa kabilang bakod kumpara sa bakuran na kinaroroonan mo pero ang hindi mo alam, nagkalat ang tae sa bakurang kinaiinggitan mo. Mas makapal ang damo, mas maraming dadayong hayop para manginain at tumae. Parang sa buhay ng tao, mas maraming negosyo, mas maraming problema. Iwasang mainggit. Makuntento sa anumang mayroon ka, pero huwag tumigil sa pagsisikap na mas maitaas ang kalidad ng iyong buhay. Huwag magmadali, take your own sweet time.
4. Iniisip mo na makukumpleto ang iyong pagkatao kung ikaw ay muling magkakarelasyon pagkaraan ng bad break-up. Hindi totoo ‘yan. Ang masayang lovelife ay nag-uumpisa sa dalawang tao na parehong buo ang pagkatao.
5. May pakiramdam ka na kailangan mong patunayan sa ibang tao na tama ka kaya madalas makipagdebate. Bawat tao ay may kanya-kanyang opinyon. At kadalasan, ang paniwala nila ay kontra sa paniwala mo. So its useless na makipagtalo. Choose your own battle.
6. Natatakot sa kanyang magiging “future” dahil hindi siya nakahanda. Bakit mo katatakutan ang hindi pa dumarating. Para maging sigurado ang kinabukasan, gawin mong mabunga at kapaki-pakinabang ang iyong kasalukuyan.