4. Panganay sa magkakapatid. Siya ang natutukang mabuti ng mga magulang mula pagkasilang hanggang sa pag-aaral. Oo, naalagaan din mabuti ang younger siblings, pero dahil panganay mas istrikto ang pag-aalaga ng magulang.
5. Hindi naniniwala sa Diyos. Ang tingin nila sa religious belief ay isang alamat. Para sa kanila, ang paniniwala tungkol sa Diyos ay walang basehan dahil walang scientific study, not testable, para patunayan kung may katotohanan ang mga bagay na ito.
6. Palaging nag-aalala. Mahirap isipin na ang pagiging worrier ay isang magandang bagay. Ayon sa psychiatrist na si Jeremy Coplan na pinag-aralan ang IQ ng mga pasyenteng may anxiety disorder : Mas matindi ang sintomas ng anxiety disorder ng pasyente, mas mataas ang kanilang IQ score kumpara sa may mild symptoms.
7. Maagang natutong bumasa. Sa isinagawang pag-aaral sa Britain, gamit ang 2,000 pares na kambal, mas mataas ang IQ score ng naunang natutong magbasa, sa kabila ng katotohanang ang kambal ay pareho ng genes.
8. Ikaw ay left-handed. Lalong totoo ito sa lalaking left-handed.
9. Kumuha ka ng music lesson noong bata ka. Ang musical training ay nakakapagpaunlad ng verbal intelligence, self-control at focus.
10. Magaling magpatawa. Pinatunayan sa isang research na mataas ang score ng mga komedyante sa verbal intelligence at abstract reasoning.