9 signs na smart ka pero hindi halata

1—Mas komportable kang gawin ang iyong trabaho na gabi.

2—Silent type ka. Tinatamad kang makisali sa walang kuwentang kuwentuhan.

3—Hinaharap mo ang iyong problema. Hindi ka nagpa-panic. Sa halip na takasan, paplanuhin mo kung paano soso­lusyunan ang mga problema nang isa-isa.

4—Kahit hindi mo sinasadya, ang mga nagiging kaibigan mo ay matatalino o mga creative people.

5—Nakakaisip ka ng paraan para ang isang mahirap na sitwasyon ay maging magaan. Halimbawa, may kapamilya kang na-stroke at bigla itong naging pipi at paralisado. Ang kapamilyang ito ay nahihirapang makipagkomunikasyon. Bigla mong maiisip na isulat sa isang malaking cardboard ang 26 letters ng English alphabet. Ituturo lang isa-isa ng pasyente ang letters na bumubuo ng kanyang pangungusap.

6—Mabilis mong tinatanggap ang iyong pagkakamali, at nagsisikap kang itama ang pagkakamaling iyon.

7—Palabasa ka, kaya up to date sa maraming bagay. Magandang magtanong sa iyo. Mabait kang magpaliwanag. May ibang tao na nagpapaliwanag lang ay ang yabang-yabang na ng dating.

8—Sa umpukan, nakikinig ka lang. Nagsasalita lang kapag tinanong. Nasisiyahang makipagkuwentuhan sa kanya ang mga kaibigan.

9—Wala sa isip mo na ismarte ka. Ngayon mo lang napag-isip-isip na baka nga ismarte ka pagkatapos mong basahin ang artikulong ito.

“Don’t mistake silence for weakness. Smart people don’t plan big moves out loud.” —thegoodvibe.com

Show comments