15 easy life hacks

1. Kung tatakbo ka ng 27 minutes per day, one pound ang mababawas sa iyong timbang per week.

2. Ang original na plano noong inimbento ang Mountain Dew, ay gawin itong panghalo sa whiskey. Mainam na subukan dahil sila pala ang original na magka-partner.

3. Ang purong katas ng pinya ay 5 times na mas epektibong gamot sa ubo kaysa nabibiling cough syrup.

4. Maiiwasan ang pagtalsik ng mga pirasong kuko habang ginugupit ito kung babasain muna ang dulo ng daliri at talim ng nail cutter.

5. Kung nahilo bigla habang nagbabasa sa tumatakbong kotse, itagilid ang ulo sa magkabilang side:kanan at kaliwa para bumalik sa normal ang pakiramdam.

6. Paligiran ang sarili ng mga bagay na kulay dilaw kung kailangan mong mag-concentrate sa iyong ginagawa. Hindi naglalabas ng melatonin ang ating katawan kung nakakakita ng dilaw. Ang melatonin ang nagpapaantok sa atin.

7. Para maiwasan ang impulsive buying kapag nagsa-shopping, tingin-tingin lang at huwag hawakan ang items na nakadispley. Mas hinahawakan mo ang paninda, mas lalong lumalakas ang pagnanasa mo na gumastos at bumili kahit hindi mo kailangan.

8. Napatunayang mas mabilis makatulog kung tatagilid ka sa kanan kaysa kaliwa.

9. Ang jump roping ng  10 to 15 minutes ay nakakatunaw ng 200 calories. Ang jump roping ay one of the best and efficient forms of cardio.

10. Kung ang isang business ay laging may “Now Hiring” sign sa harapan ng kanilang business establishment, malaki ang posibilidad na hindi maganda ang pamamalakad ng kompanya kaya laging nilalayasan ng empleyado..

 11. Tumitigil ang paglitaw ng balakubak kung ang ipinangbabanlaw ng buhok ay malamig na tubig.

12. Lipat bahay tip: Ang huling i-pack ay tool box pero ito ay pinakaunang ibaba mula sa trak.

13. Stressed ka ba? Kumain ng saging at avocado. Pinapa-relaks nito ang inyong isipan at tinutulungang maging masaya.

14. Paano tanggalin ang tsikinini? Basain ang kutsara (silver). Ilagay sa freezer ng 20 minutes. Ilabas sa freezer. Idikit ang kutsara sa tsikinini.

15 Pampababa ng uric acid level: Uminom ng 2 to 3 liters ng tubig araw-araw. Unti-unti ang pag-inom sa buong maghapon. Lalabas ang uric acid mula sa kidney sa pamamagitan ng tubig na ininom.

Show comments