^

Punto Mo

Gen. Danao, habulin mo sina Magdaluyo at Tita!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

BODABIL lang kaya itong pagpasara ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao sa mga pasugalan sa Metro Manila? Sa tingin ng mga kosa ko sa Camp Crame, seryoso si Danao. Kasi nga mga kosa, halos 95 porsiyento ng sarado ang sugal lupa sa Metro mula noon pang isang linggo. May report naman na ang nanatiling bukas lang ay ang video karera operations ng isang alyas Redy sa F.B. Harrison sa Pasay City.

Hindi kilala ng mga pulis si Redy at nakatago ang mga makina n’ya kaya’t tuluy-tuloy lang ang operation n’ya. Ang sinabi ng mga kosa ko, bagyo itong si Redy sa isang alyas Prince, na kapag ikinumpas ang mga kamay ay tameme na ang mga pulis-Pasay. Abaaaaa....uubra kaya itong si Prince kay Danao? Sampolan mo nga itong VK ni Redy Gen. Danao Sir para maging 100 percent ng sarado ang sugal-lupa sa Metro. Dipugaaaaaa!

Kaya naman may pagdududa dito sa kampanya ni Danao sa sugal-lupa kasi matapos n’yang iutos ang pagpasara sa mga pasugalan noong Martes may isang alyas Magdaluyo na nagtatawag sa mga opisyales ng pulisya at nag-utos na magbukas sila. Ayon kay Magdaluyo, “kunyari” lang ang kautusan ni Danao. Kapag nagsara kasi ang pasugalan, ani Magdaluyo, ano ang ibibigay n’ya sa “itaas”? Dapat alamin ni Danao kung sino itong tinutukoy ni Magdaluyo na gustong paikutan ang kautusan n’ya.

Teka nga pala, may report na itong si Magdaluyo ay may pa lotteng, EZ2 at ending sa Maynila. Hindi lang ‘yan! Si Magdaluyo din ang itinuturong management ng jueteng ni Boss M sa laylayan sa Tondo at sa Caloocan City. Bakit bukambibig ni Magdaluyo ang pangalan ni Danao?  ‘Yan ang tanong na dapat may kasagutan si NCRPO intelligence chief Col. Hansel Marantan, di ba mga kosa? Dipugaaaaaaa!

Inireport naman ng mga kosa ko na nagagalit itong si Danao bunga sa palaging nagigisa ang pangalan n’ya sa media sa isyung sugal lupa. Imbes na sisihin ang media, ang dapat gawin ni Danao ay habulin itong sina Magdaluyo at alyas Tita, na ipinangalandakan ang pangalan n’ya sa mga pasugalan, di ba mga kosa?

Si Tita, na gumagamit ng Codename na Madam X, ay itinuturing ang sarili na bagwoman ng NCRPO. Alam kaya ni Col. Marantan itong role ni Tita? Sinabi ng mga kosa ko na gusto ni Tita na kopoin ang mga pasugalan sa Metro Manila, gamit ang pangalan ni Danao, para hindi maka-Ekkk ang ibang opisyal ng NCRPO.

Kapag pinabayaan ni Danao sina Magdaluyo at Tita baka maunsiyame ang ambisyon n’yang papalit kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa darating na Nobyembre, di ba mga kosa? Kaya dapat habulin at ipaaresto ni Danao itong sina Magdaluyo at Tita at ipresinta sila sa media para tumaas ang tsansa n’yang maging chief PNP. Hala kilos na Gen. Danao Sir para malinis mo ang pangalan mo. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

VICENTE DANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with