Squad System, ipatutupad sa PNP!

PARA maiwasan ang depression at iba pang sakit sa panahon ng pandemya, nais ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na ipatupad ang programang “Squad System” sa hanay ng kapulisan.

Malaki ang paniniwala ni Eleazar na ang Squad System, na inihain ni Atty. Alfegar Triambulo, ng Internal Affairs Service (IAS), ay epektibong pamamaraan hindi lang para tugaygayan ang pansariling kalusugan ng mga pulis kundi maging sa pagdisiplina sa kanila sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Triambulo, ang programa ay magbibigay ng emotional at psychological na tulong sa mga pulis na nakaranas o nahihirapan sa pagpatupad ng kanilang tungkulin sa panahon ng pandemya.

“Hindi rin madali ang nararanasan ng ating kapulisan ngayong pandemya, hindi ka makauwi sa pamilya mo dahil ayaw mong magdala sa kanila ng coronavirus at may lagi kang pangamba na magkaroon sila ng COVID-19. Bukod sa may magsisilbing gabay, sa ilalim ng Squad System, ang mismong mga kasama sa squad ang tatayong mga karamay mo,” ani Eleazar. Mismooooo! Hak hak hak! Aksiyon agad itong liderato ni Eleazar, no mga kosa?

Sa ilalim ng Squad System, ang mga pulis ay gagawing grupo kung saan isa sa kanila ang magiging lider na mag-train at guide sa mga kasamahan sa pagpapatupad ng kanilang trabaho. “This not only helps prevent misbehavior among our policemen but also hones the leadership skills of those designated as squad leaders. This system enhances the moral and spiritual values of our police personnel. These squad leaders will train and guide their colleagues who have records of minor offenses but can still be reformed,” ayon kay Eleazar. 

Inutusan ni Eleazar ang PNP Chaplain Service at ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na i-review ang protocols ng Squad System para ipatupad kaagad ito sa lahat ng police units sa bansa bilang kaakibat ng programang Internal Cleansing ng PNP. Araguuyyyyy! May tatamaan pala dito.

Kaya naman naisipan ni Triambulo ang Squad System ay dahil sa tangkang pagpapatiwakal ng isang 25-anyos na police trainee sa Rosario, Cavite kamakailan. Duguan at walang malay na nakita ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa rooftop ng kanyang boarding house at mabuti naman at naisugod s’ya kaagad sa Divine Grace Hospital.

Ang trainee ng PNP Maritime Group ay nakaranas ng depression kaya naisipan din ni Eleazar na regular na tingnan ang mental health ng mga pulis.“Sa training pa lamang, masasabing hindi na biro ang pinagdadaanan ng mga pulis. This is why I reiterate the importance of subjecting all personnel to neuro-psychiatric tests to determine if they are mentally and emotionally capable of being part of the organization,”ang wika ni Eleazar.

“This kind of test will greatly help in preventing personnel from inflicting harm on themselves or on other people,” ang dagdag pa niya. Hak hak hak! May punto si Eleazar dito ah, di ba mga kosa? Mismooooooo!

Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Ronnie Olay na umabot na sa 69 ang mga pulis na namatay dahil sa sakit na COVID. Kaya nanawagan si Eleazar sa mga kapulisan na maging mapagmatyag sa kanilang health condition at huwag na mag-self medicate dahil baka lalong lumala ang kanilang kundisyon. “Kapag may nararamdaman, magpa-check-up kaagad, libre naman ang ating mga clinic,” ani Eleazar.  Abangan!

Show comments