Goodbye EJK, planting of evidence vs PNP!
GOODBYE na lang sa akusasyon na extra-judicial killings (EJK), planting of evidence at iba pa laban sa kapulisan. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na handa na ang mga pulis na gumamit ng body cameras sa kanilang anti-criminality at iba pang operation. Ang PNP ay nakabili na ng 2,696 na body-worn cameras (BWCs) at may 600 personnel na nagtapos na sa schooling kung paano gamitin ito.
Iginiit ni Eleazar na ang mga body cameras ay tamper-proof at hindi ito puedeng patayin o i-turn off ng mga pulis na gumagamit nito. “The cameras capture real-time events and these are recorded in our central database. More importantly, footage taken through the BWCs cannot be erased easily as they are only accessible at the PNP Command Center,” ani Eleazar.
Idinagdag pa ni Eleazar na ang mga BWCs ay puedeng gamitin sa gabi dahil may auto-night mode ang mga ito na maka-distinguish ng mga bagay na 10 metro ang layo kahit madilim.
“May mga operation na isinasagawa sa gabi and this was anticipated during the review of what type of body cameras would be procured by the PNP. Kaya nga yung bilin ng mga nakaraang liderato ng PNP ay kung bibili ay yung the best na at magagamit araw man o gabi o kahit masama pa ang pahanon,” ani Eleazar. Mismooooo! Hak hak hak!
Ano kaya ang masasabi ng Commission on Human Rights (CHR) sa bagong gamit na ito ng PNP? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga.
Ang mga body cameras ay ipinamudmod na sa 170 police stations sa bansa at maaring gamitin na ang mga ito matapos maglabas ang Supreme Court ng panuntunan sa pagsumite bilang court evidence sa mga kuha ng video cameras.
Ipinaliwanag ni Eleazar na ang police operations ay walang pinipiling oras at lugar kaya kapag natunugan ng mga pulis ang insidente, aba sugod kaagad ang mga ito. Subalit ‘yung mga binigyan ng BWCs, kailangan siguruhin nilang nakakabit ang camera at naka-on ang mga ito. Kapag ang video-recording nito ay naka-turned on, ang police-in-charge ay kaagad sabihan ang desk officer on duty o police unit na nasa operation sila.
Ang lahat nang mangyayari sa operation ay i-record ng camera at ang kuha ay direktang ipadala sa PNP Command Center for management at monitoring, ang giit ni Eleazar. Ang BWCs ay water-proof at maka-record ito ng audio at video sa loob ng walong oras.
“So ang binili natin dito ay hindi lang yung 2,696 units ng body cameras but the entire system ng recording and real-time transmittal of the audio-video recording,” ang dagdag pa ni Eleazar. Ang body cameras ay puwede lang i-turn off pagkatapos ng operation at ang suspects ay nasa detention facility na. Mismoooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Eleazar na kinakailangan pa ng PNP ang aabot sa 30,000 BWCs para magamit ito ng halos lahat na police units sa bansa. “Napakalaki pang budget ang kailangan dito pero tayo ay umaasa na makakakuha ng suporta sa Kongreso sa mga darating na taon upang mawala na talaga ang pagdududa sa lahat ng operasyon na gagawin ng ating kapulisan,” ani Eleazar. Abangan!
- Latest