GULAT na gulat ang isang teenager na babae sa Australia habang naglalaba sa kanilang tahanan sa Bli Bli, Queensland nang makitang may gumagapang na red-bellied black snake sa kanyang mga maruruming damit na ginamit sa school camping.
Dahil mabilis ang paggapang ng ahas, hindi na niya nakita kung saan ito nagpunta.
Hinanap niya ito kung saan-saan sa mga bahagi ng bahay pero hindi natagpuan ang ahas ng araw na iyon.
Kinabukasan, ganun na lamang ang pagkilabot niya nang matagpuan itong nagtatago sa loob ng kanyang asthma inhaler!
Agad siyang tumawag sa Sunshine Coast Snake Catchers at nahuli ang ahas.
Ang mga red-bellied snakes ay matatagpuan sa east coast ng Australia at nakapagtala na marami itong nakakagat na tao sa loob ng isang taon.
Kahit mababa ang bilang ng mga namamatay sa red-bellied snakes, ang kamandag nito na nagdudulot ng pagdurugo, pagsusuka, pananakit ng ulo at pagtatae.
Ayon sa mga mi-yembro ng Sunshine Coast Snake Cat-chers, unang pagkakataon na nakahuli sila ng ahas na nagtatago sa asthma inhaler.
Ito na raw para sa kani-la ang pinakakaibang lugar na pinagtaguan ng isang ahas.