^

Punto Mo

Hatsing

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISA ang Pinoy sa mga foreigners na naimbitahan sa feast day ng Dalai Lama of Tibet. Sa pamamagitan ng interpreter, pinaalalahanan ang lahat ng dayuhang bisita ng ganito:

“I just wanted to remind all of you not to sneeze because the Dalai Lama considers that unhealthy.”

Ngunit talagang mapagbiro ang tadhana, kung ano ang ipinagbabawal, saka naman sumalakay ang pangangati ng ilong at allergic rhinitis ng Pinoy guest. Ang paghatsing mas pinipigilan, mas lalong nagwawala. Kaya’t

isang malakas at makabagbag damdaming  “HATTTSIIIINGG!” ang pinakawalan ng Pinoy. Ang Pinoy pa namang ito ay nakasanayan na sinasabi nang maliwanag ang salitang “hatsing” kapag humahatsing dahil natutuwa siya. Marami kasi ang natatawa kapag ginagawa niya iyon sa harap ng mga kaibigan.

Masarap man sa pakiramdam, ang Pinoy ay hiyang-hiya dahil lahat ng mga tao sa bulwagan ay sa kanya nakatingin, kasama ang Dalai Lama. Inutusan ng Dalai Lama ang interpreter na lapitan ang Pinoy at itanong ang ibig sabihin ng HATSING sa Ingles. Ibinulong ng Pinoy ang ibig sabihin. Tumangu-tango ang interpreter.

Ibinulong ng interpreter sa Dalai Lama ang ibig sabihin ng HATSING. Ngumiti ang Dalai Lama. Ayon sa palusot ng Pinoy, ang  HATSING ay isang wish na nagsasaad na: Nawa’y manatiling maganda ang kalusugan ng Dalai Lama.

TIBET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with