1. Uminom muna ng kape, saka umidlip ng 20 mi-nutes. Pagkalipas ng 20 minutes, saka naman sisipa ang caffeine na nagpapalinaw at nagpapaalerto ng pag-iisip. Ready na ang naipahinga mong utak sa anumang trabaho na gagawin mo.
2. Huwag magsepilyo pagkatapos kumain. Ang acid na nanggaling sa mga kinain mo ay nagpapalambot ng iyong ngipin. Acid ang dahilan kung bakit lumulutong ang ngipin at mabilis nasisira. Kung magsesepilyo kaagad, kakalat at pupunta sa pinakailalim ng ngipin ang acid. Palipasin muna ang isang oras bago magsepilyo.
3. Palibhasa ay marami na ang may lap top, itina-type na lang ng iba ang lecture ng propesor sa halip na isulat ito sa kamay. Ngunit ayon sa mga researchers sa Indiana University, mas natatandaan ng utak ang ini-lecture ni Mam kung ito ay isinulat ng kamay kaysa itinayp sa lap top.
4. Para lalong umunlad ang relasyon ng magsing-irog, paminsan-minsan lang magkita. Ito ay upang bigyan ng panahon ang sarili na mapag-isa at hindi upang bumarkada. Kapag binibigyan ang sarili na mapag-isa, nakakapagmuni-muni ka kaya lalo mong nauunawaan ang iyong sarili. Ang resulta ay nababawasan ang iyong stress at nagiging maayos ang iyong pakikitungo sa karelasyon.
5. Mas delikado ang kalusugan sa sabon may label na antibacterial kaysa regular na sabon. Ayon sa United States Food and Drug Administration, mas mainam na gumamit ng regular na sabon at huwag gumamit ng antibacterial soap na may triclosan. Kapag tumagal ang exposure sa triclosan, hindi ka na tatablan ng gamot na antibiotics at may masamang epekto sa hormones. Sa katotohanan, ipinagbabawal noon pa 2013 sa state of Minnesota ang paggamit ng produktong may triclosan.