Lalaki, nag-solve ng 6 na rubik’s cube habang nasa ilalim ng tubig

ISANG lalaki sa India ang nakapagtala ng Guinness World Record matapos ma-solve ang anim na Rubik’s cubes sa loob lamang ng 2.17 minuto habang nasa ilalim ng tubig.

Huminga nang malalim ang 25-anyos na si Illayaram Sekar bago siya sumisid at isinagawa ang world record attempt para sa pinakamaraming Rubik’s cubes na na-solve habang nasa ilalim ng tubig at hindi humihinga.

Noong 2014 pa naitala ang dating world record nang ma-solve ng Amerikanong si Anthony Brooks ang limang cubes bago umahon.

Nahigitan ni Sekar ng isang cube ang record ni Brooks bago siya umahon matapos ang 2.17 minuto sa ilalim ng tubig.

Ipinagmamalaki rin ni Sekar na siya raw ang kauna-unahang taga-Asia na nagtala ng nasabing record.

Show comments