^

Punto Mo

Ang bag sa likod

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAKIKITA sa kalsada ang lalaking hirap na hirap sa paglalakad dahil sa bitbit niyang bag sa kanyang likod.

Isang anghel ang nagpakita sa kanya at nagtanong:

“Ano ang laman ng iyong bag at mukhang nabibigatan ka?”

“Mga alalahanin  ko sa buhay.”

Binuksan ng anghel ang bag, ngunit natuklasan nito na wala itong laman.

“Ano ba ang ipinag-aalala mo sa iyong buhay?” tanong muli ng anghel.

“Ang mga palpak na nangyari sa akin noong nakaraang araw at ang kinabukasan kong walang kaseguruhan,” paliwanag ng lalaki.

“Bakit mo pinoproblema ang mga bagay na ‘yun? Wala ka nang magagawa sa nakaraan dahil nakalipas na. Ang kinabukasan mo ay hindi pa nangyayari, kaya walang dahilan para problemahin mo ito.”

Muling lumapit ang anghel sa bag na nasa likod ng lalaki.

Tinanggal niya ito at itinapon.

“O, ano ang pakiramdam mo ngayon?”

Nagliwanag ang mukha ng lalaki sabay sabing, “Magaan…maginhawa.”

Nakangiti na ang lalaki habang siya ay naglalakad.

Worry does not empty tomorrow of its sorrow, it empties today of its strength.

Leo Buscaglia

LIKOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with