NADISKUBRENG may breast cancer si Olivia Newton-John noong 1992 pero idineklarang ng mga doktor na siya’y magaling na noong 1993. Si Olivia ang leading lady ni John Travolta sa pelikulang “Grease” at bida sa “Xanadu”. Siya ang nagpasikat ng kantang “Physical” at “Hopelessly Devoted To You”.
Kalilibing lang ng tatay ni Olivia nang sabihan siya ng kanyang doktor na may kanser siya sa suso. Kaya sobrang sakit ang nadama niya nang mga sandaling iyon.
Noong una’y hindi niya matanggap ang katotohanang may cancer siya. Para makalimutan ang problema, ibinuhos niya ang kanyang energy sa pagyoyoga, pagpi-painting at pag-aalaga ng aso. Kinuha niya sa kanyang doktor ang pangalan at address ng iba pa nitong pasyente na maysakit na breast cancer at nakipag-bonding sa mga ito.
Sa ganoong paraan, paliwanag ni Olivia, ay nadarama niyang hindi siya nag-iisa na nakiki-paglaban sa kanser. At nakagagaan daw iyon ng kalooban.
Ang isa pa niyang paraan para libangin ang sarili ay nagsusulat siya ng tula, naglalakad sa tabing-dagat o kahit anong activity to keep herself busy. Dati’y natatakot siyang tumanda pero ngayong may sakit na siya –blessing pala kung maaabot niya ang edad ng mga lolo at lola.
Takot din siyang pag-usapan ang kamatayan pero ngayon ay hindi na. Nakahanda na siya anumang oras. Pero sinuwerte siya, after one year, idineklara ng kanyang doktor na siya ay cancer-free na. Malaki ang naitulong ng kanyang positibong pananaw.
Isang aral ang natutuhan ni Olivia pagkatapos ng pagsubok sa kanyang buhay: Ang mga babae ay napakaraming obligasyon sa kanyang pamilya kaya minsan ay nakakalimutan na nitong alagaan ang sarili. Maling attitude pala iyon. Dapat ay unahing alagaan ng isang babae ang kanyang sarili dahil kapag nagkasakit siya, sinong mag-aalaga sa kanyang pamilya?