ISANG 9-anyos sa batang lalaki sa Kenya ang ginawaran ng award ng pangulo roon para sa dinisenyo niyang makina na panghugas ng kamay.
Ginawa raw ito ng 9-anyos na si Stephen Wakumota upang makatulong sa paglaban sa COVID-19.
Ayon kay Kenyan President Uhuru Kenyatta, napili nila si Wakumota dahil touch-free ang ginawa niyang hand washing machine.
Gumagana kasi ang imbensyon ni Wakumota sa pamamagitan ng pedal. Kailangan lang itong tapakan ng gumagamit upang lumabas ang tubig at sabon mula sa makina.
Naisip daw ni Wakumota ang ganitong disenyo dahil napansin niyang nagdadalawang-isip ang mga taong maghugas ng kamay kung hahawakan nila ang gripo o dispenser na hinawakan na rin ng ibang tao.
Ayon kay Wakumota, nagkakahalaga lang ng $30 (katumbas ng P1,500) ang nagastos niya sa mga materyales sa pagbuo ng kanyang imbensyon. Tinulungan umano siya ng kanyang ama.