^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga matatakaw at ganid na negosyante, sampolan!

Pang-masa
EDITORYAL - Mga matatakaw at ganid na negosyante, sampolan!

NAGSULPUTAN na parang kabute ngayon ang mga ganid na negosyante. Maski sa online ay ruma­ratsada sila at sobra ang pagsasamantala. Wala na silang iniisip kundi ang kumita ng pera kahit nakaharap ang mamamamayan sa matinding krisis hatid ng COVID-19.

Nakapokus ngayon sa mga bagay na panlaban sa virus ang mga mapagsamantala gaya ng face masks, alcohol, sanitizers, disinfectant at pati thermal scanners. Ang thermal scanners ang pinagkakakitaan nila nang limpak sapagkat ibinibenta nila nang triple ang presyo. Ang thermal scanner na ang presyo ay P3,000 ay ibinibenta ng P10,000!

Noong Miyerkules, isang babaing doktor ang hinuli ng Department of Trade and Industry (DTI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City dahil sa pagbebenta nang overpriced thermal scanners. Nakumpiska sa kanyang apartment ang talaksan ng mga kahon ng thermal scanners. Kinasuhan na ang doktora.

Nahuli rin ng araw na iyon ng DTI at CIDG ang isang delivery van na naglalaman nang maraming kahon ng thermal scanners sa Laguna. Idedeliber na ang mga scanners sa customer. Sabi ng mga taong sakay ng van, napag-utusan lang sila at hindi nila alam ang tungkol sa scanners.

Noong isang araw, sinalakay din ang mga tindahan sa Bambang St., Sta. Cruz, Maynila at nakumpiska ang maraming botelya ng alcohol na ibinibenta nang sobra-sobra ang presyo. Napag-alaman ng DTI at CIDG, ang 60 ml. ng alcohol ay ibinebenta ng P80 hanggang P100. Ayon sa DTI ang suggested retail price (SRP) ng 60 ml. na alcohol ay P20 lamang.

Maraming nagsasamantala sa sitwasyon. Pati doktor­ naging ganid na rin sa pagbebenta nang overpriced scanner. Habang may mga doktor na namamatay dahil­ sa paglaban sa COVID-19, may doktor din naman na ang inaatupag ay ang pagkamal ng pera.

Marami pang mga mapagsamantalang negos­yante ngayon kaya dapat mabilis ang aksiyon ng DTI. Hulihin ang mga ganid at sampolan.

SAMPOLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with