^

Punto Mo

Lalaki sa India na hindi gumagamit ng kamay habang nagbibisikleta, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang lalaki sa India ang nakapagtala ng world record matapos itong makapagbisikleta nang hindi hinahawakan ang handlebar ng kanyang bisikleta!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Vaibhav T. Rajamani ang pinakabagong record holder ng titulong “Greatest Distance Cycled (no hands)”. Ito ay matapos siyang makapagbisikleta sa layong 151.33 kilometers nang hindi humahawak sa manibela o handlebar ng kanyang bike.

Naganap ang record attempt ni Rajamani noong Disyembre 2023 sa Goa, India at inabot siya ng pitong oras bago makumpleto ang kanyang world record. Ayon dito, limang taong gulang siya nang unang magkaroon ng bisikleta at simula nang matuto siyang sumakay dito, ayaw na talaga niyang humawak sa handlebar nito sa tuwing pinatatakbo niya ito.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with