Katotohanan sa buhay
• Ang taong mahilig magbasa o manood ng tungkol sa serial killers ay mahusay na conversationalist.
• Ang suweldo ay parang “drugs” na isinusubo ng iyong employer sa iyo upang makalimutan mong isagawa ang iyong mas pinakamimithing pangarap sa buhay.
• Hindi nawawalan ng address ang karma. Kung ano ang ibinigay mo, siguradong babalikan ka nito.
• Kapag nalaman mong mabilis palang makalimutan ng mga tao ang namatay nilang kakilala, siguradong titigilan mo na ang ugaling mahilig magpa-impress sa ibang tao.
• Kung iniisip mong pumasok sa pakikipagrelasyon dahil nalulungkot ka, pakinggan mo ito: “Sabi nila huwag kang maggo-grocery kapag nagugutom dahil baka kung anu-ano na lang ang damputin mo na hindi naman angkop para makatanggal ng gutom na nararamdaman mo”. Ganun din sa lovelife, baka kung sinu-sino lang ang matisod mo.
• Mas nagiging attractive ang isang tao kung makikitaan siya ng kabaitan at husay sa pagpapatawa.
• Ang emotional intelligence ng narcissist ay kagaya ng isang sumpunging bata.
• Kung ang isang tao ay may isinusumbong sa iyo tungkol sa mga naninira sa iyo, ito ang itanong mo sa tagahatid ng tsismis: Huwag mong sabihin sa akin kung anong paninira ang sinasabi nila tungkol sa akin; ang gusto kong malaman ay kung bakit sila komportable na sa iyo sabihin ang paninirang sinasabi mo. Sagot: Alam ng mga naninira na may galit din sa iyo itong tagahatid ng tsismis.
- Latest