^

Punto Mo

EDITORYAL - Higpitan pa ang mga gumagala sa kalye

Pang-masa
EDITORYAL - Higpitan pa ang mga gumagala sa kalye

HINDI pa rin lubos na naipatutupad sa mga barangay na dapat ay walang naglalakad o gumagala sa kung saan-saan para mapigil ang pagkalat ng COVID-19. Kahit pa nagbabala ang Department of Interior ang Local Government (DILG) na ang mga punong barangay ang mana­nagot kapag nakitang marami pa ring mga tao ang nagkukumpul-kumpol at nag-iinuman sa kalye at binabalewala ang enhanced community quarantine.

Kamakalawa, nai-report ang mga lalaking hinuli ng mga pulis sa Sta. Cruz, Laguna habang nag-iinuman sa kalye sa dis-oras ng gabi. Bukod sa mga lalaki, may ilan ding babae na nahuling naki­kipag-inuman. Dinala sila sa presinto.

Sa Laguna pa rin, may mga lalaking hinuli ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew. Ang masaklap, piniit sila sa kulungan ng aso. Ayon sa mga pulis, lumalaban umano ang mga naaresto kaya nila kinulong. Nagbanta naman ang mga inaresto na kakasuhan ang mga pulis dahil sa pag­labag sa karapatang pantao.

Marami pa ring nasa kalye kahit bawal. Ka­gaya sa H. Santos St. sa Makati City na nagkum­pul-kumpol din sa kalsada ang mga tao na tila hindi natatakot sa COVID-19. Halos katabi lang ng mga nagkumpol na tao ang barangay hall. Hindi marahil nakikita ng barangay chairman ang mga taong halos magkakadikit na at walang pakialam sa social distancing. Nasaan na ipinatutupad na community quarantine?

Habang sinusulat ito, umabot na sa 380 ang kaso ng COVID-19 sa bansa at 25 na ang namamatay. Kung hindi maipatutupad nang maayos ang kautusan, magpapatuloy ang pagdami ng kaso at mayroon pang mamamatay. Nararapat kastiguhin ng DILG ang mga tatamad-tamad na barangay kapitan! Dahil sa kawalan nila ng aksiyon, kumakalat pa ang salot sa maraming lugar.

KALYE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with