Fox, nakalabit ang gatilyo ng baril, hunter tinamaan!

HINDI akalain ng isang hunter sa Belarus na puwede siyang patayin ng isang fox --- sa pamamagitan ng baril.

Mabuti na lamang at sa binti siya nabaril ng fox kundi’y baka isa na siyang malamig na bangkay.

Iba’t ibang klase ng hayop na ang nahuli ng hunter maliban sa fox. Kaya nang umagang iyon na manghunting siya ay natuwa siya sapagkat isang fox ang natiyempuhan niya.

Binaril niya ang fox na may ilang metro ang layo sa kanya. Tinamaan at bumulagta ang fox. Agad na nilapitan ng hunter para damputin.

Pero nagulat ang hunter nang dambahin siya ng fox. Nagpambuno sila habang hawak ng hunter ang baril.

Sa pakikipagbuno ng hunter sa fox ay nakalabit ng kuko nito ang gatilyo at pumutok. Tinamaan sa binti ang hunter. Natumba ang hunter at nagmamadaling tumakas ang sugatan ding fox.

Show comments