^

Punto Mo

Ang kaso ng bank teller na sinibak dahil nakadispalko

BITAG KILOS PRONTO - Ben Tulfo - Pang-masa

ISANG pribilehiyo ang makapagtrabaho sa kompanyang pinagkakatiwalaan ng mga tao. Kaakibat nito, malaking responsibilidad lalo kung may kinalaman sa pera ang sakop ng trabaho.

Pero paano kung natukso kang gumawa ng hindi kanais-nais na bagay na makasisira sa imahe mo at ng kompanyang pinapasukan mo?

Ganito ang nangyari sa isang bank teller na sumangguni sa tanggapan ng BITAG Pambansang Sumbungan kamakailan.

 Kuwento niya, tinanggal siya sa trabaho dahil sa P5,000 na kanyang nadispalko na ginamit pangmatrikula ng kanyang anak.

 Ayon sa teller, nangyari ang pagkakasala nang may magproseso ng bagong account at big­lang nagloko ang system ng banko. Imbes na sa kabinet, sa bulsa ng teller napunta ang pera!

 Ang ginang, hindi lang ito ang unang beses na pangyayari bagama’t lagi naman daw niya itong naibabalik. Umamin siya sa manager na 11 beses na pala niya itong ginawa sa loob ng 25 taon niyang pagtatrabaho sa banko.

 Nang makaabot ang isyu sa administration ng pinapasukang banko, agad siyang pinag-mandatory leave para ma-check ang kanyang mga past transactions hanggang sa siya’y ma-terminate bilang bank teller.

 Ayon kay Asst. Gov. Restituto Cruz, Financial Supervision Sub-Sector I sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sensitibo ang mga banko pagdating sa usaping integridad, lalo na’t puhunan ng mga banko ang tiwala ng kanilang mga kliyente.

Hiling ngayon ng ginang, makuha ang kanyang separation pay. Nanghihinayang sa tagal ng pagseserbisyo pero hindi naisip ang kahihinatnan ng maling gawi.

 Ayon kay Ms. Belen Nicasio, Head ng SEnA Unit sa NLRC, malinaw sa batas na maaaring walang makuhang separation pay ang isang empleyado lalo na kung may sapat na dahilan para tanggalin siya, tulad ng paglabag sa company policies.

 Maawain at marunong umunawa ang BITAG. Pero sa puntong ‘to, wala na kaming magagawa lalo na kung ang batas na mismo ang pagbabasehan. May mga patakaran ang anumang banko na mahigpit na pinapairal lalo’t mahalaga rito ang integridad.

Maging aral sana sa lahat na anumang desisyon ang pinaplano nating gawin, isipin muna ang magiging epekto nito sa atin. Panoorin ang segment na ito sa BITAG OFFICIAL Youtube channel, “Teller, nangdispalko ng pera sa banko! Nagpasaklolo sa BITAG!”

BANK TELLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with