^

Punto Mo

Mga tanod sa Divisoria, gutom!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

GUTOM ang inabot ng mga barangay tanod sa kahabaan ng Divisoria sa ilalim ng administrasyon ni idol Mayor Francisco Domagoso. Kasi nga, dati-rati sa panahon ni ex-Mayor Erap Estrada, may pang-pandesal at pang-kape itong mga barangay tanod dahil sa may awa ito sa kalagayan nila. Ganito kasi ang sistema ng mga tanod, ayon kay Ate Connie.

Noong panahon ni Erap, ang mga MTPB na bantay sa parking, vendor at iba pang pagkakitaan ay pinayagang magbantay sa Divisoria tuwing alas 10 ng gabi hanggang 5 a.m. Kaya’t ang kita nila ay pang-kape at pang-pandesal at kapag binuwenas ay may pang-allowance pa. Get’s n’yo mga kosa? Subalit nang pumalit si Domagoso kay Erap, aba 24/7 na ang operations ng MTPB sa liderato ni ex-chairman Darwin Ibay, ang hepe ng MPTB District 2, 3, at 4 kaya’t hayun...gutom ang mga pobreng tanod.

Para itago ang sarili n’ya, pinagsabihan ni Ibay ang mga kakilala sa Divisoria na kapag may nagtanong, sabihin na lang na hindi na s’ya yumayapak sa naturang lugar. Araguuyyy! Hak hak hak! Puwede mo bang itago ‘yang sarili mo Mr. Ibay Sir eh kalye ‘yang tinatapakan mo? Tiyak me magngunguso sa ‘yo dahil ang dami mong pinahirapan, ‘di ba Maj. Rosalino Ibay Jr., ang Smart chief Sir?

Itong mga MTPB pala sa Divisoria mga kosa ay puro mga job order ang plantilla, na ang ibig sabihin sumusuweldo sila ng mula P6,000 hanggang P8,000. Siyempre, wala na silang allowance at iba pang benefits dahil JO lang nga sila. Kaya pursigido silang kumita ng extra, tulad na lang sa pagiging parking attendant, na ang quota naman sa City Hall ay P2,000 hanggang P4,000 depende sa klase ng puwesto.

Kaya huwag na kayong magtaka mga kosa kung ang singil sa inyo ng parking attendant ng MTPB ay P50 hanggang P70 subalit ang nakalagay sa resibo n’yo ay P20 sa unang tatlong oras na parking at may dagdag depende sa haba ng pag-park mo sa Divisoria.

Ang nangyayari pala, ayon sa mga kosa ko na hindi si Ate Connie, kapag nalagpasan na ng parking attendant ang quota nila, aba ang sobra ay napupunta na sa bulsa nila, kaya hindi dapat kayo magtaka mga kosa kung talagang pursigido silang singilin ka kahit ano pa ang paliwanag mo. Araguuyyy! Hak hak hak! Maluffeeetttt ang mga parking attendant ng MTPB sa administrasyon ni Domagoso, no mga kosa? Kung sabagay, baka mabago na ang sitwasyon at suweldo ng MTPB sa loob ng tatlong taon kapag naging No. 1 na ang kita ng Maynila, ayon sa pagyayabang ni Domagoso.

At maliwanag pa sa sikat ng araw na bumalik na rin ang mangilan-ilan sa mga vendor sa Divisoria subalit mukhang walang pakialam naman si Domagoso. Kaya hindi napigil ni kosang Rambo Labay na magkomento na tumatanggap na si Domagoso ng P5 milyon sa vendors kung ang mga litratong kumakalat sa social media ang gagawing basehan.

Noong unang 100 days ni Domagoso mga kosa, pinapaligpit kaagad niya ang mga vendors na makunan ng litrato sa Divisoria subalit mukhang nag-lie low na siya ngayon. Dahil kaya kina alyas Jonathan, na kaklase niya sa Tondo High at Sgt. Gerry Tubera na bodyguard niya? Abangan!

FRANCISCO DOMAGOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with