Jueteng sa Muntinlupa, umarangkada na!
FLASH report: Jueteng is back in Metro Manila. Matagal nang nabura ang jueteng sa Metro Manila dahil nasapawan ito ng Small Town Lottery. Kaya lang umarangkada uli ito sa siyudad ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon dahil nag-expire na ang prangkisa ng STL doon.
Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na ang financier ng jueteng ay si alyas “Touche”, na taga-Laguna at ang management ay si alyas “Jojo”. May kubransa rin ang tropa ni “Touche” sa laylayan ng San Pedro, Las Piñas, Parañaque at Taguig.
Idinagdag pa ng mga kosa ko na ang gumitna sa tropa ni Touche ay si Lt. Col. Jun Ananayo, ang DSOU ng SPD. Kay Ananayo rin dumadaan ang weekly payola nina NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin at SPD director Brig. Gen. Randy Recio. Dipugaaa! Si Ananayo ay rekta kay Aberin dahil bitbit n’ya ito mula Avsegroup hanggang PRO7. Get’s n’yo mga kosa? Ano kaya ang action ni Mayor Biazon sa jueteng isyu na ito? Teka, teka, paano naman ang jueteng ni John Yap?
Nagbabala si CIDG director Brig. Gen. Romeo Macapaz sa mga Pinoy na ‘wag padalus-dalos sa pagbili ng Apple products sa pangambang magantso sila. Ngekk! Inisyu ni Macapaz ang kanyang warning matapos makumpiska ng mga tauhan niya ang umaabot sa P121.4 milyon halaga na substandard Apple products sa raid na isinagawa sa Parañaque City.
Ayon kay Macapaz, ang mga suspects na sina “Crissa” at “Charles” ay walang maipakitang sapat na dokumento mula sa National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Trade and Industry. Iginiit ng CIDG director na nilabag ng mga suspects ang Article 18 at 50 ng R.A. No. 7394 (Consumers Act of the Philippines). Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Macapaz na ipinatutupad lang ng CIDG ang polisiya ng gobyerno na protektahan ang interes ng consumers, promote ang general welfare, at itaguyod ang standard sa pagnenegosyo. Kaya matapos makatanggap ng report na ang mga suspects ay sangkot sa illegal na aktibidades, kaagad inutusan ni Macapaz ang CIDG Anti-Organized Crime Unit (AOCU) na salakayin ang warehouse ng mga suspects sa Bay View Garden Homes 3 sa Barangay Tambo. Sumama nang maayos ang mga suspect. Ganun na nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nakumpiska ang 225 units ng Apple iWatches, 531 units ng MagSafe chargers, 4,580 ng AirPods, 2,652 units ng charger adaptors, 16,664 na charger sets, 1,033 na iPhone accessories, 70 units na car charger, 1,740 na charging cords, 77 units na hair dryers, 126 units ng Beats Solo headphones, isang iPhone 16, at isang box na earphones. Ang dami ah! Abayyy kung naisalya pala ang mga ito sa kalye, maraming Pinoy ang uuwing luhaan, di ba mga kosa? Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito.
Pinuri ni Macapaz ang mabilis na aksiyon ng kanyang mga tauhan para hulihin ang mga suspect at pigilin ang paglaganap ng sub-standard na mga produkto sa merkado. “This underscores our commitment in combatting all crimes and violations of laws. Rest assured that your CIDG is steadfast in enforcing all the laws and dauntless against all violators and criminals,” ani Macapaz, sabay panawagan sa publiko na i-report sa CIDG ang lahat ng illegal activities at aaksiyunan nila kaagad ito. Abangan!
- Latest




















