Basagin ang itlog sa flat surface at huwag sa gilid ng bowl.
Huwag lagyan ng oil ang tubig na pagpapakuluan ng noodles. Mag-i-slide ang sauce at hindi didikit sa noodles kapag pinaghalo mo ito.
Nakakadagdag ng sarap ang acid (suka o kalamansi/lemon) sa matabang na niluluto. Sa halip asin, lemon/kalamansi o suka ang idagdag, kung alin ang applicable.
Isama sa paggigisa ang black pepper o anumang herbs upang lalong lumabas ang flavour.
Para hindi mapaluha, palamigin muna ang nabalatang sibuyas bago hiwain.
Kung may achuete kang isasahog sa lulutuin, isama ito sa paggigisa para hindi magkaroon ng “after taste” ang pagkain.
Iwasang diinan ang burger patty gamit ang siyanse kapag ito ay iniihaw o piniprito dahil lumalabas ang juice. Para hindi bumaluktot, lagyan ng hiwa ang gilid ng patty bago lutuin.
Sa paggigisa, unahin muna ang sibuyas saka isunod ang bawang. Mabilis masunog ang bawang kaya dapat ihuli.
Kapag magluluto ng caldereta o menudo, mas masarap kung gagamit ng toyo at patis sa paggigisa. Mas malinamnam ang calderetang may gata.
Magdagdag ng suka, isang kutsarita per two cups of rice sa inyong sinaing para hindi agad mapanis.
Mas nabubuhay ang lasa ng tinolang manok kung pipisaan mo ito ng juice ng kalamansi.
Gumamit ng tamang measuring cups at spoons. Huwag gumamit ng coffee mug or drinking cup or kutsarang ginagamit sa pagsubo ng pagkain.
Kapag nagluluto ng dinuguan, isama sa paggigisa ang dugo at suka upang mawala ang lansa ng dugo. Mas masarap ang dinuguang may kahalong tomato sauce.
Sa mga pagkaing may ingredient na suka: Huwag hahaluin hangga’t hindi kumukulo ang suka upang hindi ito maglasang “hilaw”.
Upang maiwasan ang makunat na beef tapa, hilingin sa butcher na hiwain ito ng sukiyaki cut. Sa ganitong pagkakataon, kailangan dito ang meat slicer machine.