ISANG life-size na istatwa ng isang balyena na matatagpuan sa Monterey Bay Aquarium sa San Francisco, California ang kinilala bilang pinakamalaking recycled plastic sculpture ng Guinness World Records.
Ang istatwa, na ginawa upang ipakita ang dami ng plastic na naitatambak sa karagatan, ay gawa sa recycled materials na binubuo ng plastic bottles, mga pi-naglumaang laruan, at iba pang mga karaniwang kalat.
May habang 84 talampakan at 11.6 pulgada ang balyena; 26 talampakan at 5.8 pulgada naman ang lapad nito at aabot sa 13 talampakan at 9.6 pulgada ang taas nito.
Ang mga artist na sina Joel Dean Stockdill at Yustina Salnikova ang nag-disenyo sa plastic na balyena at sinigurado nilang magiging katulad ng itsura nito ang itsura ng tunay na balyena.