Nakaaaliw na trivia tungkol sa alak
Noong bata pa ang dating US President na si Teddy Roosevelt, niresetahan siya ng doktor na uminom ng whiskey at magtabako para matanggal ang asthma.
Bago naimbento ang Champagne, ang alak na may bula at may fizzing sound kapag binuksan ang bote ay palatandaang panis.
Sobrang siniseryoso ng ancient Babylonian ang paggawa ng beer. Kapag nahuli ang taga-gawa ng beer na dinadaya ang timpla nito sa pamamagitan ng paghahalo ng tubig, siya ay pinaparusahan: nilulunod sa ginawa niyang beer o ipapainom ang lahat ng kanyang tinimpla hanggang mamatay.
Noong unang tumakbo sa eleksiyon si George Washington, namigay siya ng alak sa 396 voters para suyuin ang mga ito. Nanalo siya dahil sa alak.
Ipinagbawal ng Russia ang pagbebenta ng vodka noong Word War I. Ang resulta, bumaba ng kinikita ng gobyerno ng 35 percent.
Nagsagawa ng wine taste test ang Wine Society of Texas. May tatlong alak silang ipinatikim na may label na “France”, “California”, at “Texas”. Mas pinili ng nakararami ang alak na may label na “France”. Sa bandang huli, sinabi ang katotohanan na ang tatlong alak na ipinatikim ay pare-parehong “Texas”.
Bago imbentuhin ang Coca-Cola, mayroon nang Coca Wine na may 10% alcohol at 8.5% cocaine extract. Iniindorso ito sa publiko nina Queen Victoria at Pope Leo XIII.
Si Queen Elizabeth II ay 4 na beses umiinom ng alak araw-araw: 1) a gin before lunch, 2) a wine during lunch, 3) a dry martini with dinner, and 4) a glass of champagne follo-wing dinner.
- Latest