^

Punto Mo

Mga bulol na nagtagumpay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Bruce Willis

Wala sanang pumapansin sa kanyang pagiging bulol noon siya ay nasa elementary pero nang mag-high school ay nakaranas siya ng iba’t ibang pang-iinsulto mula sa kapwa estudyante. Ang ginawa niya ay sumali siya sa drama club ng kanilang school dahil napapansin niyang kapag umaarte siya sa teatro ay nawawala ang pagkautal niya. Love na love kasi niya ang pag-arte. Sumikat siya sa school, naging presidente ng student council. Unti-unting nabawasan hanggang nawala ang pagkabulol niya.

James Earl Jones

Sobra ang pagkabulol niya noong limang taon siya kaya nadebelop sa kanya ang pagkamahiyain at pinili na lang niyang huwag magsalita o magkunwang pipi hanggang high school. Isang mabait na titser sa high school ang naawa sa kanya at tinulungang ibalik ang kanyang tiwala sa sarili. Araw-araw ay pinagre-recite siya ng isang tula sa harapan ng mga kaklase. Si James ay American actor sa teatro at pelikula. Siya ang nag-boses sa character ni Darth Vader ng Star Wars at ni Mufasa sa pelikulang The Lion King.

Anthony Hopkins

Mas malala ang pagkabulol ni Anthony kumpara kay Bruce at James, may kasama pang lisp ang kanyang pagiging bulol. Mas gusto niyang mag-isa dahil hindi raw niya alam ang sasabihin para bumati sa mga tao. Ibinaling niya ang kanyang pansin sa iba niyang talent, nag-paint siya, nag-aral mag-piano at pinagbuti ang pag-aaral. Noong 15 years old ay naging kaibigan niya si Richard Burton at niyaya siyang mag-artista. Akalain ba niyang isang araw ay magiging isa siya sa magagaling na artista ng Holywood.

               

 

BULOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with