^

Punto Mo

Rapper, nagtala ng bagong world record para sa pinakamalaking baso ng gin at juice

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAY world record na ngayon ang kilalang rapper na si Snoop Dogg.

Pinaghalo niya kasi ang gin at juice sa isang dambuhalang baso dahilan upang makapagtala siya ng bagong world record para sa pinakamalaking cocktail.

Ginawa ni Snoop Dogg ang gin at juice sa harap ng napakaraming tao na pawang nagsipagdalo sa Bottlerock Napa Valley Festival sa California.

Katulong ni Snoop Dogg ang kapwa niya rapper na si Warren G at ang Chef na si Michael Voltaggio sa paghahalo ng 132 gallon ng pinaghalong gin at juice.

Tinatayang 180 bote ng gin, 154 bote ng apricot brandy at 38 na jug ng orange ang pinaghalo-halo para mapuno ang higit limang talampakang baso na pinag­lagyan ng inumin.

Kinumpleto pa ni Snoop Dogg ang cocktail matapos niyang lagyan ito ng dambuhalang straw at pink na payong.

Agad namang kinilala ng Guinness World Records ang nagawang inumin ni Snoop Dogg bilang “Largest Paradise Cocktail in the world.”

vuukle comment

SNOOP DOGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with