^

Punto Mo

‘Paiba-ibang kuwento’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

ILANG araw na hinanap ang taxi driver na si Tomas Bagcal para linawin ang tungkol sa mga detalye na hindi magkatugma sa ibinigay niyang dalawang salaysay.

Ang unang salaysay daw na kanyang pinirmahan ay hindi talaga siya ang gumawa at hiningi lamang ang kanyang pangalan, address at pati ang OR/CR ng minamanehong taxi.

Pinaghahanap na si Bagcal dahil siya lamang ang makakapagbigay ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari kung bakit napatay si Carl Arnaiz.

Ang pangalawang salaysay daw na kanyang ibinigay para itama ang unang salaysay ay meron ding hindi pagkakatugma.

Lumapit si Bagcal at ang kanyang pamilya sa Rise Up for Life and for Rights upang maasistehan siya at maproteksiyonan.

Sa ibinigay niyang pahayag nilinaw niya na nai-turn over niyang buhay si Carl sa mga pulis. Pinatotohanan niya na hinold-up siya ni Carl at may ipinakita pa siyang peklat sa kanyang kamay.

Kwento niya nasangga niya ang baril ni Carl nang hindi ito pumutok. Bumaba raw ito ng kotse ngunit na-korner din niya sa isang lugar kung saan naroon ang ilang tricycle driver at taga-barangay na binugbog.

Nakilala niya si Carl nang maibaba niya ang suot nitong hood. Ang dalawang pulis na sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita ang nagdala kay Carl sa kanilang mobile.

Ilang sandali lang ang nakalipas at nakarinig siya ng sunud-sunod na putok at nakita niyang bumagsak ang naka-itim na sweater.

Minsan na ring nagbigay ng pahayag ang ama ni Carl at sinabing malaking lalaki ang taxi driver at isang balya lang sa kanyang anak ay kayang-kaya nito dahil payat lamang ang kanyang anak.

Sa magiging bagong kwento ni Bagcal kung ano talaga ang nangyari kay Carl ay malalaman natin kung alin sa mga salaysay niya ang mas kapani-paniwala at malapit sa katotohanan.

Sa isinagawang autopsy sa katawan ni Carl sinabi ni Dr. Erwin Erfe ang head ng forensic team ng Public Attorney’s Office na base sa mga natamong tama ni Carl ay lumalabas na nakaluhod siya nang barilin at ang dalawang huling tama ay nakahiga na.

Sa bagong impormasyong ibinigay ni Bagcal ay hahatakin daw nito pababa ang moral ng Caloocan Police lalo na’t iniimbestigahan din sila sa pagkamatay ni Kian Lloyd delos Santos.

Ang ilang detalye ay sa pagdinig na lamang daw niya ibubulgar kabilang na dito ang pagharap niya sa Senado.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with