‘Tumitinding girian!’
KUNG gaano kasaya ang North Korea dahil sa sinasabi nilang matagumpay na detonation ng ‘hydrogen bomb’ ay ganun naman ang pangamba ng maraming bansa.
Ilang ulit nang nagkaroon ng bomb testing ang North Korea para sa kanilang mga missiles ngunit ilang beses na rin silang pumalpak. Ang nakakatakot dito ay ang mga inosente at walang kalaban-laban na mga tao ang matamaan at mapinsala ng mga pampasabog ng North Korea.
Kinondena ng Russia at ganun na rin ng Amerika ang ginawa ng North Korea. Nagpatawag si US President Donald Trump ng emergency meeting dahil sa pagyanig sa Japan sanhi ng pagkakaroon ng nuclear testing.
Ang kampo ni NoKor leader Kim Jong-un ay masaya sa naging resulta ng ginawang hydrogen bomb ngunit galit si US President Donald Trump at nagbanta pa ito.
Malaking pagkilos ng kanilang mga sundalo ang igaganti nila sa isinagawang detonation ng NoKor.
Mas malakas ang hydrogen bomb na ito kumpara sa mga nauna nang pinakawalan ng NoKor.
Ayon pa kay Defense Secretary Jim Mattis anumang banta sa Amerika at ganun na rin sa mga teritoryo nito kasama ang Guam na binanggit ng NoKor nung nakaraan na target ng kanilang ballistic missile at maging sa kanilang mga kaalyado ay igaganti nila ng malaki.
Buong pwersa ng kanilang militar at hihigitan nila ang lakas na ipapakita ng NoKor.
Maging tayo ay nabahala sa ginawang ito ng NoKor dahil nangangahulugan lang ito na may nagbabadyang gulo sa pagitan ng NoKor at ng Amerika.
Apektado sa mga ginagawang nuclear testing ng NoKor ang mga kalapit nitong bansa pero wala silang pakialam sa pinsalang magagawa nito sa ibang bansa basta masunod lang ang kagustuhan ng kanilang lider na maging matagumpay ang paggawa ng missile at hydrogen bomb.
Nanawagan naman si Foreign Affairs Alan Peter Cayetano sa ating embahada sa South Korea na siguruhin ang kaligtasan n gating mga kababayan doon.
Ang dapat dito sa NoKor ay palagan hindi lang ng Amerika kundi maging ng ibang malalakas na bansa tulad ng Russia at China nang sa ganun ay mabawasan ng bahagya ang yabang ng kanilang lider na wala ng ginawa kundi magpasabog ng missile at bomba.
Pang anim na itong nuclear test ng NoKor mula pa noong taong 2006.
Sa hakbang na ito ng NoKor binalewala na nito ang posibilidad na magkaroon ng pag-uusap tungkol sa namumuong tensyon sa kanila ng Amerika.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest