^

Punto Mo

Tiwala

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw ay binisita ako ng aking matandang dalagang tiyahin. Bitbit niya ang kanyang mga alahas.

“Ipapatago ko muna sa iyo ang mga ito. Isang buwan akong magbabakasyon sa malayong probinsiya. Wala akong safe na lagayan ng alahas sa bahay kaya sa iyo na muna.”

Magbabakasyon ang aking tiya sa probinsiya ng kanyang kaibigang balikbayan. Tuwing uuwi sa Pilipinas ang kaibigan niyang ito, isinasama siya sa pamamasyal kahit pa kasama nito ang mister. Sobra nang lalim ng kanilang pagkakaibigan.

Ang aking tiya ay nakikitira lang sa pamilya ng aking tiyuhin. Nagtataka ang aking mga anak kung bakit sa akin ipinagkatiwala ang alahas. Bakit hindi doon sa mga pinsan ko na kasama niya sa bahay? Hindi ko alam ang kasagutan dahil hindi ako nagtanong. Ang nasa isip ko lang: Sa akin iniwan ang kanyang mga alahas dahil pinagkakatiwalaan niya ako.

Kung tutuusin ilang beses na rin kaming nagkatampuhan ng tiyahin kong ito pero sa akin pa rin niya ipinagkatiwala ang kanyang pinakaiingatang alahas. Ang iba kong pinsan ay hindi niya nakakatampuhan pero hindi niya piniling doon magpatago ng alahas.

Kaya lang sabi ng aking anak: Dapat ay kinunan mo ng picture ang mga alahas na kaharap siya. Para malinaw na iyon lang ang iniwan sa iyo. Siyempre, matanda na. Makakalimutin. Baka malito.

Sayang hindi ko naisip. Pero kinunan ko na rin ng picture kahit wala na siya.

SAFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with