ISANG lalaki sa Kenya ang umaani ngayon ng papuri da-hil sa kanyang ginagawa para sa mga mababangis na hayop na nakakaranas ng matinding pagkauhaw dahil sa tagtuyot na nararanasan ng kanilang bansa.
Idinetalye ng magsasakang si Kilonzo Mwala sa kanyang Facebook page ang kanyang pagbisita sa mga waterhole na pinagkukunan ng inumin ng mga hayop.
Dahil sa kanyang ginagawa, nagkakaroon ng mapagku-kunan ng inumin ang mga elepante, zebra, at leon na kung hindi dahil sa kanya ay malamang na mamamatay sa uhaw dahil sa matinding tagtuyot sa Kenya.
Sa sobrang tagtuyot doon, nawawala na raw ang pagiging mailap ng mga hayop dahil kusa nang lumalapit ang mga ito kay Mwala kapag dumarating siya sa kanilang waterhole.
Maari raw na sa sobrang pagkauhaw ng mga ito ay nagagawa na ng mga itong maamoy ang tubig na kanyang dala.
Nasa 45 kilometro ang nilalakbay ni Mwala upang mara-ting ang waterhole ng mga hayop at nasa $326 ang nagagastos niya kada biyahe.
Marami naman ang nagbibigay ng donasyon kay Mwala kaya natutustusan naman niya ang pambili sa humigit-kumulang 12,000 litro ng tubig na kanyang idine-deliver tuwing binibisita niya ang waterhole ng mga hayop.