^

Punto Mo

Isang pirasong sitsirya na hugis Gorilla, nabenta ng $100,000

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pirasong sitsirya na may kakaibang hugis ang naibenta diumano sa halagang $99,900.

Ipinost kamakailan lang  na kilalang auction site na eBay ang sitsirya na kahugis ng isang gorilla.

Nagsimula lamang ang bidding sa halagang $11.99 ngunit matapos maging viral ang tungkol sa sitsirya ay pumalo sa halos $100,000 ang naging presyo nito bago magsara ang subastahan.

Ipinagbebenta ito ng isang eBay user na kinilala lamang bilang “valuestampsinc” at ayon sa kanya ay napansin niya kaagad ang piraso ng sitsirya dahil sa pagkakahawig nito sa isang gorilla na naging laman ng mga balita noong isang taon.

Ang gorilla na tinutukoy niya ay si Harambe, isang gorilla sa Cincinatti zoo na kinailangang barilin ng mga zookeeper matapos na may maligaw na bata sa loob ng kanyang pinagkukulungan. Naging sikat ang gorilla dahil sa balita.

Wala namang balita kung tinotoo ba talaga ng nanalo sa auction ang pagbili sa hugis unggoy na sitsirya sa halagang $99,900.

vuukle comment

EBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with