Pag-inom ng maraming tubig. Ito ang magiging dahilan nang madalas na paggising para umihi. Masakit sa ulo ang paulit-ulit na gising tapos pipiliting makatulog ulit.
Walang sinusunod na oras sa pagtulog. Kapag walang pattern, nagugulo ang utak kaya mas nahihimbing sa pagtulog sa araw kaysa gabi.
Kumain ng hapunan at least, dalawang oras bago matulog. Mas mainam na may sapat na oras ang digestive system na tunawin ang huling kinain bago matulog.
Iwasang gamitin ang gadgets isang oras bago matulog.
Huwag magbasa ng libro. Sa halip na makaantok, lalo lang nitong paaaktibuhin ang isipan. Kung talagang hindi maiiwasan ang pagbabasa, gawin ito nang mas maaga.
Iwasang manood ng horror or suspense movie. Lalong nagigising ang utak kung mataas ang emosyon.
Iwasan ang late-night television. Ang bright light sa screen ng TV ay pumipigil para maglabas ang katawan ng melatonin—ang nagpapaantok sa ating utak.