^

Punto Mo

May ipinanganak na namang kambal sa California sa magkaibang taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAYROON na namang isang pares ng kambal sa San Diego, California na ipinanganak sa magkaibang taon.

Ang dalawang babaing sanggol ay ipinanganak sa Sharp Mary Birch Hospital.

Ang “panganay” sa kambal ay ipinanganak ng 11:56 p.m. noong Disyembre 31, 2016 samantalang saktong 12:00 a.m. naman ng Enero 1, 2017 lumabas ang “bunso”.

Hindi na nagpaunlak sa mga panayam ang mga hindi na kinilalang magulang ukol sa kakaibang pagkakapanganak ng kanilang kambal.

Bagama’t pambihira ang kasong ito, hindi ito ang unang beses na may kambal na ipinanganak sa magkaibang taon.

Nangyari na rin ito noong isang taon, at sa pareho rin na lungsod nang lumabas sa sinapupunan ni Maribel Valencia ang kambal niyang sina Jaelyn at Luis sa magkaibang mga taon.

Ipinanganak noong mga huling minuto ng 2015 si Jaelyn samantalang sumunod naman ang kanyang kapatid na si Luis ilang minuto pagkapasok ng 2016.

vuukle comment

SHARP MARY BIRCH HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with