Nanggugulo pa rin si Marcos kahit patay na
Talagang ayaw patahimikin ni dating diktador at President Marcos ang ating bansa. Kahit nasa kabilang buhay na ay patuloy pa rin siyang nagbibigay ng ligalig sa mamamayan. Ayaw niyang magkaroon ng katahimikan ang bansang inilubog niya sa hirap sa loob nang maraming taon. Bakit ayaw pa niyang lubayan ang bansa.
Unti-unti nang tumatahimik ang bansa mula nang mawala si Marcos at akala nang marami, magpapatuloy na ito. Pero hindi pa pala dahil mula nang ibalik siya mula sa Hawaii kung saan siya namatay ay eto at marami namang pagpoprotesta sa kalye. Nasa kalsada na naman ang mga tao.
Nang palihim na ilibing ang diktador sa LNMB ay nagising na naman ang sambayanan. Hindi dapat ilibing si Marcos sa LNMB sapagkat hindi naman siya bayani. Bakit ipinilit ng kanyang pamilya na sa LNMB ilibing gayung puwede naman sa Ilocos. Ito ba ay para manggulo na naman ang mga Marcos? Bigyan nila ng katahimikan ang bansang ito. ? ROSEMARY DEL VEGA, V.G. Cruz St. Sampaloc, Manila
- Latest