1—Para hindi malanta ang letsugas at iba pang leafy vegetables:
Kailangan: plastic bag at paper towel
Procedure: Hugasan ang letsugas. Ipagpag ang tubig. Ibalot sa paper towel at saka isilid sa plastic bag. Itago sa fridge.
Ano ang nangyari? Sinisipsip ng paper towel ang moisture ng letsugas kaya hindi kaagad ito malalanta.
2—Para mapabilis ang paghinog ng avocado.
Kailangan: Supot na papel at isang mansanas o saging.
Procedure: Ilagay sa supot ang avocado at mansanas. Isara ang supot sa pamamagitan ng tape. Hintayin ang magdamag. Voila! Hinog na kinabukasan.
Bakit nagkaganoon? Nagpapasi-ngaw ng ethylene ang mansanas o saging na kailangan para mahinog ang isang prutas. Puwede itong gawin sa atis at chico na madalas na hilaw (unripe) pa kapag nabibili. (Itutuloy)