^

Punto Mo

‘Tapusin na yan!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MATAGAL nang isyu ang tungkol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nung maupo si Presidente Rodrigo Duterte ay pinayagan niyang mailibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani. Agad na umalma ang mga militanteng grupo at giit nila hindi karapat-dapat si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi siya bayani at napakaraming Pilipino ang kanyang pinatay nung panahon ng kanyang rehimen. Maraming desaparecidos na hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung patay o buhay pa ba.

Iniakyat hanggang Supreme Court ang kahilingan ng mga tagasuporta ng mga Marcos at nitong nakaraan ay nagdesisyon ang Korte Suprema na payagang mailibing si Marcos sa Li-bingan ng mga bayani.

Ilan sa kanilang dahilan sa pagpayag ay dahil naging Presidente, sundalo na may medalya si Marcos kaya pasok daw ito sa batas na nagsasabi kung sino ang maaaring ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Siyam na araw na burol, ito ang gusto ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos. Giit pa niya mag move on na daw. Madaling magsabi na ma move on kung hindi kayo ang nadehado.

Para sa pamilya ng mga namatay at naging biktima ng Martial Law hindi ito madaling gawin dahil bitbit pa nila ang sugat ng nakaraan.

Ang gusto ng militanteng grupo akuin ng mga Marcos ang kanilang pagkakamali ngunit sagot ni Imee bakit nila gagawin ito hindi naman siya parte ng gobyernong yun.

Hindi ba’t ikaw ay head ng Sangguniang Kabataan at si Bongbong naman ay aktibo na din ng mga panahong yun dahil hindi na siya menor de edad at naiintindihan na niya ang nangyayari.

Botong 9-5 ng Supreme Court ang kinalabasan nito. Sina Associate Justice Diosdado Pe-ralta, Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr., Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza at Estela Perlas-Bernabe ang pumabor sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Tumutol naman sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Sebior Associate Justice Antonio Carpio at sina Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardaleza at Alfredo Benjamin Caguioa.

Nag-rally naman ang miyembro ng National Unions on Peolple’s Lawyer (NUPL) sa naging desisyong ito. Naghain sila ng Motion for reconsideration (MR) at umaasang magbabago ang desisyon.

Maghihintay pa ba ang Supreme Court o hahayaan nang ilibing si Marcos?

Isang bagay lang ang gusto kong sabihin sana ay matuldukan na ang usaping ito.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

TAPOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with