^

Punto Mo

Sir Juan (101)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PARANG natulala naman si Mahinhin matapos ang kanilang paghahalikan ni Sir Juan. Iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya. Ganun pala ang lasa. Parang dinampi lamang ni Sir Juan ang labi sa kanyang labi at masarap pala. Ang lambot ng labi ni Sir Juan at ang bango ng hininga. Fresh na fresh ang hininga nito. Parang samyo ng menthol candy.

Si Sir Juan naman ay ganundin ang feeling. Ina­amin niya, iyon ang unang paghalik niya at doubt siya kung maayos ba ang pagkakahalik niya kay Mahinhin. Wala pa talaga siyang karanasan sa paghalik. Tumanda siyang binata at ngayon lamang nakatikim ng labi. Napakanipis at napakalambot ng labi ni Mahinhin. Parang marshmallow sa lambot. At napakabango ng hininga ni Mahinhin. Parang hininga ng isang buwang gulang na sanggol. Ang sarap langhapin.

“Sa palagay mo, okey ang paghahalikan natin kanina, Mahinhin?’’ Tanong ni Sir Juan. Nasa loob na sila ng room ni Mahinhin.

“Ang alam ko, nakita tayo ni Nectar. Pero bigla ring umatras nang makita tayong naghahalikan.’’

Nagtawa si Sir Juan.

“Naiimadyin ko ang pagmumukha ni Nectar habang pinagmamasdan tayo. Siguro kung masasabunutan ka e ginawa na niya kanina.’’

“Hindi po kaya awayin na naman niya ako?’’

“Basta huwag kang magsasalita. Hayaan mo lang dumakdak at magsasawa rin iyon.’’

“Paano po kung saktan ako. Halimbawa’y sampalin ako o suntukin?”

“Aba ibang usapan na ‘yun. Sumigaw ka kapag sinaktan ka at tutulungan kita. Huwag kang magpapatalo kapag sinaktan ka.’’

“Opo Sir Juan.’’

“Siyanga pala, Mahin­hin, okey ba yung…’’ ibi­nitin ni Sir Juan ang sinasabi.

“Ang alin po, Sir Juan?’’

“’Yung paghalik ko kanina?’’

Napatawa si Mahinhin.

“Ba’t ka nagtawa?’’

“Okey naman po. Masarap.’’  (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

GANUN

HALIMBAWA

HAYAAN

JUAN

MAHINHIN

OPO SIR JUAN

SI SIR JUAN

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with