^

Punto Mo

Harapin ang liwanag, hindi ang anino

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

Sa wakas, may kumikilos. May lider na hindi takot magsalita, manindigan, at humarap sa dumi ng sariling bakuran, ito ang ipinamalas ng pamunuan ng Bureau of Immigration sa gitna ng umuugong na eskandalo tungkol sa sinasabing pagtatangkang palayain ang isang high-profile Chinese POGO operator na si Tony Yang.

Isang bagay ang malinaw, may mga linta pa rin sa loob ng gobyerno. Hindi ito bagong kuwento, pero sa pagkakataong ito, may determinasyong linisin ang hanay. Hindi ito pakitang-tao.

Ang direktibang ibinigay sa mga opisyal at kawani ng BI para makipagtulungan sa imbestigasyon ni Sen. Sherwin Gatchalian ay isang patunay ng paninindigan, lalo pa’t ang mga dokumento’t ulat ay kusa nang isinusumite bago pa man ito ipatawag ng Senado.

Pero higit pa rito, ang hamon sa mga “concerned employees” na nagtago sa likod ng puting papel na lumantad, magsalita, at tumayo sa harap ng Senado ay isang paalala sa paglilinis ng hanay, hindi sapat ang bulungan sa sulok. Kailangang may lakas ng loob. Kailangang harapin ang liwanag, hindi ang anino.

Ang pagkakasangkot ng mga banyaga sa ilegal na POGO, at ang tangkang palusutin ang mga ito sa batas sa pamamagitan ng mga tiwaling opisyal ay hindi lamang usapin ng korapsiyon, ito ay usapin ng pambansang seguridad.

Kaya’t nararapat lamang ang panawagan ni BI Commissioner Joel Viado na buong dokumentasyon, tapat na testimonya, at walang bahid na kooperasyon. Ito ang klase ng pamumunong dapat nating itaguyod—hindi ang pagtatakip, kundi ang pagbubunyag; hindi ang pananakot, kundi ang pagpapalakas ng loob ng mga tunay na lingkod-bayan.

Ang tanong: Susuportahan ba natin ang mga tulad nila, o pipiliin nating manahimik habang ninanakawan tayo sa sariling tahanan?

Ang panahon ng pagbubunyag ay dumating na. At kung hindi natin ito sasabayan ng sigaw para sa hustisya, baka tayo na naman ang susunod na baliktarin ng sarili nating sistema.

Panindigan ang katotohanan. Iwaksi ang kasinungalingan. Hindi taksil ang magsalita. Ang tunay na taksil ay ang patuloy na tumatalikod sa bayan.

ANINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with