^

Punto Mo

Sir Juan (89)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TOTOO ba ang sinabi ni Mahinhin na hindi nagsisinungaling at walang inililihim? Hindi pa rin makapaniwala si Sir Juan.

Naupo siya nang pasalampak sa harap nang kinauupuan ni Mahinhin. Gusto niyang malaman ang lahat --- ang buong katotohanan ng mga sinabi ni Mahinhin.

“May mga ipinakitang pictures sa akin si Nectar, Mahinhin at sinabing ikaw daw iyon. Nagsasayaw ka nang hubo’t hubad sa entablado. Mara-ming pictures iyon na pawang malalaswa ang posing --- kita na ang kaluluwa!’’

“Hindi po ako iyon, Sir Juan. Maniwala ka sa akin.’’

‘‘Kung hindi ikaw ang nasa picture, bakit bigla kang umalis at hindi man lamang nagpaalam sa akin. Nalaman ko na lamang na wala ka sa iyong kuwarto. At sabi ni Nectar, umalis ka na raw.’’

‘‘Natakot po ako Sir Juan sa mga sinabi ni Nectar. Huwag ko na raw pong hintayin na ikaw pa ang magpaalis sa akin. Umalis na raw ako para hindi na marinig pa ang mga masasakit na sasabihin mo.’’

‘‘Sinabi iyon ni Nectar?’’

‘‘Opo. Natakot po ako sa mga sasabihin mo kaya minabuti ko nang umalis. Tutal naman po at wala akong atraso sa pagbabayad sa inyo sa renta kaya ipinasya kong umalis. Pero talaga pong natakot ako sa mga sinabi ni Nectar.’’

Napailing-iling si Sir Juan. ‘‘Bakit ginawa iyon ni Nectar? Hindi naman kita paaalisin? At saka hindi pa naman ako sigurado kung ikaw nga ang nasa picture. Pero kamukha mo nga ang nasa picture. Kahawig mo nga. Pati ang katawan.’’

“Hindi po ako ‘yun, Sir Juan. Maniwala ka sa akin. Hindi ko po magagawang magsayaw nang hubo’t hubad. Hindi po ako nude dancer.’’

Tiningnang mabuti ni Sir Juan si Mahinhin. Sinisipat kung totoong nagsasabi ng totoo ang dalaga.

“Hindi ko nga po alam kung paano nagkaroon ng mga ganoong pictures si Nectar.’’

Nag-iisip si Sir Juan. Hindi muna niya sasabihin na may kinutsaba si Nectar na isang lalaki --- si Gringo – para kumuha ng pictures.

‘‘Hindi ko po alam ang motibo ni Nectar kung bakit gusto niya akong mapaalis sa boarding house. Wala naman akong atraso sa kanya. Dahil po sa nangyari, naapektuhan ang pag-aaral ko. Wala po kasi akong natirahan.’’

Nabagbag ang kalooban ni Sir Juan. Kawawa naman si Mahinhin.

“Saan ka tumira?’’

“Dito po sa KOLEHIYALA. Pinakiusapan ko po ang manager na kahit sa makipot na sulok ay makahiga ako. Nakabaluktot po ako sa pagtulog. Tiniis ko po kahit ma-lamok. Sinasapinan ko po ng karton ang semento para hindi malamigan ang likod ko.’’

Nakatingin si Sir Juan sa dalaga habang nagku­kuwento. Naaawa siya rito. At hindi rin niya maiwasang mainis naman kay Nectar dahil sa ginawa kay Mahinhin.

“Naapektuhan po ang pag-aaral ko dahil hindi ako komportable sa tirahan ko. Madalas akong absent.’’

Lalo lamang nahabag si Sir Juan sa dalaga.

At saka seryoso niya itong tinanong.

‘‘Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang trabaho mo rito sa KOLEHIYALA?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

HINDI

JUAN

MAHINHIN

MANIWALA

MGA

NECTAR

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with