^

Punto Mo

‘No Talk, No Mistake’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAY KASABIHAN ANG ISANG CHINESE PHILOPHER at World Leader, ‘more talk, more mistakes… less talk, less mistake…no talk. no mistake.

Kanya kanyang drama, diskarte at pa-survey ang mga kandidato para malaman kung may tyansa na ba silang manalo.

Ilan sa mga nangunguna sa mga ‘survey’ ay sina Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe sa pagka-Presidente na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) at Business World.

Ang survey ay mula ika-12 ng Disyembre hanggang Dis­yembre 14, 2015. Pumangatlo naman si Liberal Party standard-bearer Manuel “Mar” Roxas, ika-apat si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at panglima si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Sa Pulse Asia naman nanguna din si VP Binay. Malaking bagay ang pananahimik ni Binay nang nagbabangayan ang kanyang mga kalaban.

Kanya-kanyang diskarte ng banat ang mga tao pero nanatili siyang tikom ang bibig. Ito ang muling nagpaangat sa kanyang pangalan kung ikukumpara sa mga kalaban.

Kung iisipin mo nga naman mas maganda ng manahimik para hindi ka na makapagsalita ng mga bagay na magagamit laban sa ‘yo pagdating ng panahon.

Maraming bumabatikos sa kanya at hindi naman lingid sa lahat na marami ding pinagdadaanan ang kanilang pamilya. Hindi pa din siya nagsalita at hinayaan niyang ang mga tao ang humusga sa kanya.

Sina Binay, Duterte at Poe ang nasa top 3 sa Metro Manila. Habang sa ibang lugar naman ng Luzon ay sina Binay at Poe ang pinipili ng mga tao.

Si Binay din ang nanguna sa ilang lugar sa Visayas na nakakuha siya ng 34% habang ang sumunod sa kanyang si Roxas ay 27%.

Hindi naman nakatulong kay Poe ang mga ‘disqualification cases’ niya para manatiling maingay ang kanyang pangalan. Ito pa ang naging dahilan kung bakit bumaba siya ng ilang porsiyento.

Iniisip siguro ng ilang botante na baka hindi mapayagang tumakbo si Poe kaya sa ibang kandidato na lang nilang ibinigay ang boto nung mag-survey.

Ilang surveys na din naman ang isinagawa at hindi pare-pareho ang nagiging resulta. Mangunguna ang isa pero sa susunod masusulot naman ng isang kandidato ang unang pwesto.

Ayon nga kay Presidential Candidate Mar Roxas, ang pinakamahalagang survey ay sa panahon ng eleksyon.

Alam naman nilang mabuti na ang survey ang salamin lamang kung ano ang tingin ng tao sa kanila. Hindi naman ganun ka-daming tao ang kanilang tinanong at iba pa din ang magiging resulta pagdating ng eleksyon.

Kilatising mabuti, piliin ang tama na makakatulong sa mga mahihirap hindi tulad ng iba na hanggang salita lang ang kanilang mga ipinangangako sa taong bayan.

Kailangan magsimula din nilang gawin kung anong plataporma man ang inihain nila sa kanilang kandidatura.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

BINAY

BUSINESS WORLD

HINDI

LEFT

MGA

NAMAN

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with