MAY isang lugar sa Manuguit, Tondo na kung tawagin ay “airport” o “duty free” bunga sa talamak na bentahan ng shabu. Sinabi ng mga kosa ko na kahit saang sulok ka magpunta sa Manuguit ay may mag-aalok sa iyo ng droga. Mahirap pasukin ang lugar dahil tagusan nito ang Abad Santos at Juan Luna Streets, ayon pa sa mga kosa ko. Ang malungkot lang, hindi masawata ang operation ng droga sa lugar ng mga alipores ni Totong Allan alyas Bokal bunga sa naka-timbre sila sa mga bataan ni Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando Nana sa halagang P60,000 weekly. Tuwing Biyernes kung daanan nina SPO1 Manalang o PO1 Ortega ang pitsa sakay ang isang motorsiklo na walang plaka. Punyeta! Hindi na nakuntento sa pasugalan itong mga bataan ni Nana at pati droga ay pinasok na! Hindi kaya sila natatakot sa matawag nating, “KARMA?”
Ito palang si Bokal mga kosa ay kumpare ng dating bigtime pusher sa Manuguit na si Ric Taga. Matapos mapaslang si Taga pinalitan siya ni Bokal na siyang naghari-harian sa ngayon sa Manuguit. Sinabi ng mga kosa ko na ang mga pushers sa ilalim ng kuwadra ni Bokal ay itong dating live-in partner ni Ric Taga na si alyas Arlene, Dennis Baktol, Dante Acuna at Empoy na may patupadahan din sa may riles ng tren. Siyempre, kapag talamak ang droga sa naturang lugar ng Manuguit, naglipana din ang mga video karera ni alyas Manny Manok na ang sticker ay isang isda. Ang sticker ng mga makina ni Manny Manok ay kulay orange na paboritong kulay ni Manila Mayor Erap Estrada. Malakas itong si Manny Manok sa Station 7 ng MPD dahil hindi makalatag doon ang karibal na si Romy at Gina Gutierrez. Ayon pa sa mga kosa ko, alam ng barangay chairman sa Manuguit na may weekly tong ang mga pushers at video karera ni Manny Manok sa Station 7 ng MPD subalit naging bulag, pipi at bingi na lang s’ya sa naturang problema. Punyeta! Baka naman pati si tserman ay nakabukas ang palad dito sa tropa ni Bokal at sa vk ni Manny Manok ah? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Subalit hindi alam ng mga kosa ko kung saan nakukuha ng tropa ni Bokal ang supply nilang shabu. Kasi nga laman naman ng balita, at maging inanunsiyo ni Sen. Tito Sotto, na ang mga shabu na nagkalat sa ngayon sa mga kalye ng Metro Manila ay galing sa recycle. Ang ibig sabihin ng recycle mga kosa, ang shabu ay nakumpiska ng mga pulis subalit ibinabalik nila sa kalye. Get’s n’yo na mga kosa? Dapat siguro ipa-imbestigahan ni NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao itong sina SPO1 Manalang at PO1 Ortega para mahinto na ang kahibangan nila. Tsaka, ipabira din ni Pagdilao itong “airport” at “duty free” sa Manuguit sa programang “One Time, Big Time” para mahinto din ang ilegal na negosyo ni Bokal. Sa panahon sa ngayon na 92 porsiyento ng mga barangay sa Metro Manila ay apektado na ng droga, kailangang maging agresibo, hindi lang ang PDEA at AIDSOTF, kundi maging ang NCRPO at iba pang operating unit ng pulisya laban sa shabu, marijuana, ecstacy at iba pa, di ba DILG Sec. Mel Senen Sarmiento Sir? Punyeta! Dapat wala ng release for further investigation (RFFI) sa korte natin kapag droga na ang pag-uusapan, di ba mga kosa?
Sa totoo lang, kaya nasibak si Maj. Jesus Respes bilang hepe ng DSOU ng MPD ay dahil me nakabili ng weekly parating ni Nana sa halagang P500,000, na tuwing Lunes ang remittance. Kaya naman itinaas sa langit ng nakabili ng tara sa MPD ay dahil pati droga ay kinokolektahan nila? Lumilitaw na kaya talamak ang problema ng droga sa bansa ay dahil sa katakawan ng ilan sa kapulisan natin sa pitsa, di ba mga kosa? Punyeta! Panahon na siguro para sibakin ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ang mga opisyales ng PNP na hindi kumikilos laban sa droga. Anong say n’yo mga kosa? Abangan!