INAASAHANG maaapektuhan nang matindi si LP presidential bet Mar Roxas dahil sa pag-eksena ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na nagdeklarang kakandidato na rin sa 2016 presidential elections.
Sa pinakahuling survey, kulelat pa rin si Roxas at patuloy na nangunguna si Senator Grace Poe at pumangalawa si Vice President Jejomar Binay.
Sa pagpasok ni Duterte ay inaasahang mababawasan ang boto ni Roxas dahil ang isa sa malaking usapin ay ang kriminalidad sa bansa.
Si Roxas ay dating DILG secretary na may saklaw sa PNP subalit batay sa mga ulat ay bigong maibaba ang antas ng kriminalidad sa bansa.
Samantalang si Duterte ay may napatunayan na sa panga-ngasiwa ng peace and order sa Davao City bilang mayor.
Kaya naman hindi maiiwasan na maikumpara sina Roxas at Duterte hinggil sa kanilang mga performance sa mga nahawakang puwesto sa gobyerno.
Samantala, kahit minu-minuto ay napapakinggan ng publiko ang mga advertisement ni Roxas sa mga radio at tv ay nagiging negatibo ang impresyon dito ng mga botante.
Sa ngayon, si Roxas ang may pinakmalaking ginagastos sa mga radio at TV ads na sana ay hindi sa kaban ng bayan galing ang pondo.
Kabit gaano pa karaming advertisement ay nasubukan na ito noong 2010 elections nang noo’y presidential candidate na si Manny Villar subalit talo rin naman.
Nanawagan ako sa publiko na huwag pagbatayan ang mga pakulo at advertisement ng mga kandidato para sila ay iboto dahil karamihan sa mga binibitawang pangako ng mga pulitiko ay pawang pambobola lang at pangako na maaring mapako at madismaya lang ang publiko.